UP Manila College of Pharmacy
Paunawa sa Privacy & Mga Tuntunin
Sa paggamit ng serbisyong ito, sumasang-ayon ka sa mga tuntunin at kundisyong ito.
Magandang araw!
Kami ay mga lisensyadong parmasyutiko (licensed pharmacists) mula sa University of the Philippines Manila - College of Pharmacy (UPCP). Narito kami upang sagutin ang inyong mga katanungan ukol sa inyong mga iniinom na gamot, vitamins, supplements, at iba pang herbal remedies tulad ng juice at tsaa.
Libreng Serbisyo
Ang serbisyong ito ay LIBRE. Asahang matutugunan namin ang inyong mga katanungan sa loob ng araw na nasumite ang katanungan tuwing 8 AM hanggang 3 PM. Ang mga katanungang masusumite isang (1) oras bago ang wakas o pagkatapos ng consultation hours ay matutugunan kinaumagahan na.
Limitasyon ng Payo
Ang payo na aming maibibigay sa inyo ay limitado lamang sa impormasyon na inyong ipapaalam sa amin.
Para sa Emergency
Kung ang inyong tanong ay isang emergency o kailangan ng madaliang sagot, makakabuting mag-message sa aming Facebook Page upang ito ay agad na matugunan.
Maraming salamat po!
PAUNAWA SA PRIVACY (DATA PRIVACY NOTICE)
Ang University of the Philippines Manila - College of Pharmacy (UPCP) ang namamahala ng Online Pharmacist Consult Form, na naglalayong mangalap ng at tumugon sa mga katanungan ng publiko ukol sa gamot, bitamina, at supplement.
Impormasyon na Kokolektahin
- 1Pangalan
- 2Contact Detail (Phone Number o Email Address)
- 3Mahalagang Impormasyon Ukol sa Kalusugan ng Pasyente
Lahat ng impormasyon na makakalap ay mananatiling pribado at makikita lamang ng mga lisensyadong parmasyutiko na siyang sasagot sa mga katanungan.
Disclaimer
Ang mga lisensyadong parmasyutiko ay nangangakong magbibigay ng pinakabago at tamang impormasyong mula sa mga maaasahang sanggunian. Ngunit, ang UPCP ay hindi mananagot sa anumang di kanais-nais na resultang dulot ng maling impormasyong magmumula sa nagsumite.
Sa paggamit ng serbisyong ito, sumasang-ayon ka sa mga tuntunin at kundisyong ito.
